Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, March 9, 2026.
- Taas-singil sa presyo ng krudo, ipatutupad na bukas; ilang kumpanya, uutay-utayin ang pag-implementa ngayong linggo
- Diesel sa ilang gasolinahan, nagkakaubusan
- DOE: P6-P10 ang tapyas sa diesel at gasolina kung suspendihin ang excise tax
- Nanggahasa umano ng stepdaughter, tumakas gamit ang bangka pero arestado pa rin
- Lalaki, nalapnos nang paglaruan ang food warmer; 2 iba pa ang sugatan sa pagliyab ng apoy
- PBBM, isusulong magka-non-permanent seat ang PHL sa UNSC at ang kapayapaan sa Middle East
- Lalaki, binaril ng dati umanong karelasyon; suspek, tinutugis
- 14 suspek sa hazing, inireklamo ng ama ng biktima; 4 na suspek sumuko kagabi, 1 sumuko ngayong gabi
- Halaga ng Piso kontra Dolyar, sumadsad sa panibagong all time low ngayong araw
- Kulitan ng cast ng live-action anime na 'One Piece,' kitang-kita off cam
- Isda't gulay, nagmahal sa ilang pamilihan; singil sa delivery service, nagtaas kasi
- Umano'y Chinese handler ng 3 Pinoy informant, natukoy na
- Low Pressure Area, mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility
- 16 na ari-arian ni ex-Rep Zaldy Co, isinailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan 5th Division
- Jeepney, tumagilid nang salpukin ng kotse
- Mga ahensya ng gobyerno at LGU, sinigurong hindi maaapektuhan ang mga serbisyo sa gitna ng pagpapatupad ng 4-day work week
- SUV, naatrasan ang isang nagtitinda matapos makabangga ng isa pang kotse
- P200M halaga ng mga pineke umanong produkto, kinumpiska ng NBI
- 18 'ex-marines at abugado nila, sinampahan ng perjury sa DOJ At cyberlibel sa NBI
- Alex Eala, pasok na sa Round of 16; World no.4 Coco Gauff, nag-retire sa 2nd set ng Round of 32 dahil sa injury
- Tanong ng fans: Bea Alonzo at kanyang businessman-bf, magle-level up na ba ang relasyon?
- '24 Oras' at ibang GMA programs at personalities, kinilala ng LPU-Cavite
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.