Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, April 29, 2026.
- House Committee on Justice, nakitang may probable cause ang dalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte
- Defense team ni Vice President Sara Duterte, iginiit na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ginawang proseso ng House Committee on Justice
- VP Duterte, dumalo sa isang exhibit habang gumugulong ang impeachment proceeding
- Kahong may tax records ng bise at mister, dinesisyunan sa botohan na 'wag buksan
- 13-anyos na napaulat na nawawala matapos utusang bumili ng yelo at alak, bangkay na nang makita
- 2 binaril sa Timog Avenue, pumanaw na; de-motorsiklong salarin, tinutugis
- Mahigit 60 na taga-Brgy. 168 North Caloocan, inilikas dahil sa tumagas na ammonia mula sa ice plant
- Co, humihingi umano ng asylum sa France base sa pinakahuling impormasyon ng gobyerno
- Cast ng 'House of Lies,' game na game sa catfight scenes; 'di nawawala ang kulitan off-cam
- Meralco: Nagmahal ang singil sa kuryente dahil sa paghina ng Piso
- UAE, kakalas sa OPEC at OPEC+ simula May 1; expert: posibleng magmura ang petrolyo kung damihan ng UAE ang benta at depende sa Hormuz
- Caprice Cayetano, natupad ang dream ng kanyang younger self na ma-feature sa magazine
- Sagot ng Philhealth sa normal delivery, itinaas sa P29K; P58K-P62K kung C-section
- Ilang lugar ang inulan at nakaranas pa ng hailstorm, sa gitna ng tumitinding init sa halos buong bansa
- NBI, nakumpirma umano sa imbestigasyon na may kinausap ang bise para patayin si PBBM, atbp; may lead na rin umano kung sino ang hitman
- Mga kaibigan at kaanak ng ilang nasawi sa 'engkuwentro', emosyonal sa pag-alala sa kanila
- BIR, nag-isyu ng letters of authority para i-audit si VP Duterte, kanyang mister at 9 na negosyong inuugnay sa kanila
- Ex-Rep Defensor, nanawagan sa Ombudsman na bigyang proteksyon si Guteza; naglabas ng audio recording na pinababago umano ang affidavit ng dating sundalo
- Tinanong sa Czech Chargé D’Affaires kung bakit pinakawalan si Zaldy Co; nakipagpulong din sa French Ambassador
- GMA Network, event partner ng unang 'Digital Media Asia' na ikinasa sa Pilipinas
- Cast ng 'Never Say Die' full force sa action scenes ng nalalapit na finale
- Giant haluhalo, pinagsaluhan sa pista
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.